Posted December 24, 2015
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Ilang oras bago
sumapit ang Pasko, isang malaking sunog ang nangyari sa Main road Ambulong,
Boracay kung saan halos natupok ang mga
kabahayan at mga establisyemento dito.
Sinasabing
nagsimula umano ang sunog mula sa isang boarding house dito. At dahil sa lakas
ng hangin, hindi na ito napigilan sa pagkalat.
Bagama’t hindi pa
kumpirmado, sinasabing mahigit sa limampung kabahayan ang natupok ng
apoy.
Mahigit limang oras umano bago nawala ang sunog, sa tulong na rin ng Bureau of Fire Protection
Unit (BFP), Boracay Acton Group (BAG), Boracay
Water, Boracay Coast Guard, Boracay PNP, Malay Auxiliary Police
at mga residente sa lugar.
Sa ngayon ay patuloy parin ang ginagawang imbestigasyon ng BFP Boracay sa kung ano ang sanhi ng nangyaring sunog.
No comments:
Post a Comment