Monday, December 21, 2015

Aklan PHO naka-white alert na ngayong pasko at bagong taon

Posted December 21, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for kapaskuhan paputokHanda na umano ang Aklan Provincial Health Office at ang lahat ng mga hospital sa Aklan ngayong darating na kapaskuhan at bagong taon.

Ayon kay Dr. Cornelio Cuachon, Provincial Health Officer I, nasa white-alert na umano ngayon ang kanilang hanay sa pamamagitan ng pagbibigay medical attention sa lahat ng mga pasyente lalo na yaong mga maaaring mabiktima ng paputok.

Sinabi ni Cuachon na ang paglagay sa white alert ay base sa mandato ng Department of Health kung saan awtomatiko itong ipinapatupad tuwing holiday season.

Samantala, hinikayat naman ni Cuachon ang publiko na iwasan ang paggamit ng mga paputok lalo na ang mga kabataan na kadalasang nabibiktima nito.

No comments:

Post a Comment