YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, December 21, 2015

Residente sa Boracay, pinaalalahanan ngayong pasko at bagong taon ng MHO Malay

Posted December 21, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for noche buenaNag-paalala ngayon ang Municipal Health Office (MHO) Malay sa mga residente ng Boracay ngayong papalapit na pasko at bagong taon.

Ayon kay Malay Municipal Health Office (MHO) Health and Educational Promotion Officer Arbie Aspiras, hindi umano sila nagkukulang ng paalala sa mga tao sa Boracay na dapat maging disiplinado at responsable sa darating na pasko lalong-lalo na ang bagong taon.

Image result for bagong taonSinabi ni Aspiras sa mga bibili ng noche Buena ngayong pasko ay basahin umanong mabuti ang expiration date nito at kung saan ito nanggaling upang maiwasan ang food poisoning.

Dagdag nito, kailangang maging healthy lifestyle lang umano ang mga tao sa pamamagitan ng pagkain ng masustansyang pagkain katulad ng prutas at gulay para umano makaiwas sa hypertension o high blood.

Maliban dito, maging maingat din umano sa bagong taon lalong-lalo na sa mga magpapaputok kung saan mas mainam umano na gumamit nalang ng mga alternatibong maiingay na bagay katulad ng kaldero at torotot upang malayo sa kapahamakan.

No comments:

Post a Comment