Posted September 7, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Pinangunahan ng Malay youth ang pagtanim ng mahigit sa
limang daang puno sa ginanap na tree planting activity sa Nabaoy nitong Sabado.
Ayon kay Malay Senior Environmental Management Specialist
Trishalyn LozaƱes at isa sa organizer ng nasabing tree planting karamihan umano
sa mga sumama sa kanilang ginawang aktibidad ay mga mag-aaral ng Malay at
Masboi.
Karamihan naman umano sa kanilang mga itinanim na punong
kahaoy ay Narra at fruit tress katulad ng Santol.
Nabatid na layunin ng nasabing tree planting activity na
maingganyo ang mga kabataan sa magagandang gawain katulad ng pangangalaga sa
kalikasan.
No comments:
Post a Comment