Posted September 7, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Photo credit to Sienna Jamell Quinton Badon |
Nasa maayos na ngayong kalagayan ang isang Chinese
National na muntik ng malunod matapos na mahulog sa sinasakyan nitong sailboat
kaninang ala-ona ng hapon sa station 1 Boracay.
Ang biktima ay tinatayang nasa edad 40 hanggang 50 anyos
base sa ginawang imbestigasyon ng Boracay Action Group (BAG) na siyang
rumisponde at nagdala sa biktima sa isang pribadong klinika sa isla.
Ayon naman sa sinasabing anak ng biktima may history
umano ng hypertension ang kanyang ina na siyang dahilan ng pagkahulog nito sa
sailboat at muntikang pagkalunod.
Agad namang nailigtas ng mga tao sa lugar ang biktima at
dinala sa dalampasigan kung saan mabilis din itong nilapatan ng paunang lunas
bago dalhin sa pagamutan.
No comments:
Post a Comment