Posted September 11, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Isa sa naging panauhing pandangal sa ginanap na
Philippine Councilors League sa Boracay si dating Energy Secretary Carlos
Jericho Petilla.
Sa panayam sinabi ni Petilla na ang kalimitang brown out
sa Boracay ay hindi umano kasalanan ng Aklan Electric Cooperative (AKELCO)
kundi dahil umano sa mga maninipis na kable ng kuryente na laging nasisira at
sobrang dami na umano ang gumagamit sa isla.
Isa pa umano sa dahilan nito ay dahil sa mataas na demand
ng kuryente sa Boracay kung saan marami
ang gumagamit ng aircon at mahilig sa mga appliances.
Sa kabilang banda pinuri naman nito ang AKELCO sa aktibong
panghuhuli ng mga flying connections sa Aklan na siyang kalimitang sanhi ng
sunog o brownout.
Samantala, nangako naman si Petilla na kahit wala na siya
sa DOE ay handa parin siyang tumulong dahil nakatatak na umano sa kanya ang
pagtulong sa publiko.
No comments:
Post a Comment