Posted September 11, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nangyari ang insidente kaninang umaga kung saan hindi
na-kontrol ng driver ang pagliko nito sa pakurbadang daan at dahil na rin sa
madulas na kalsada dulot ng walang tigil na ulan.
Dahil dito dumiritso ang naturang sasakyan sa palayan
kung saan tumagilid ito dahilan para mayupi at mabasag ang salamin sa harapang
bahagi nito.
Masuwerte namang hindi napuruhan ang mga sakay ng
sasakyan na pagmamay-ari ng LGU Malay kung saan agad din silang isinugod sa
hospital ng mga residente sa lugar.
Nabatid na ang nasabing sasakyan ay ginagamit bilang
kargahan ng tubig para sa construction at ibat-ibang suplay ng LGU Malay.
No comments:
Post a Comment