YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, December 15, 2014

Mga otoridad sa Aklan pinaghahandaan na ang pagdiriwang ng Pasko

Posted December 15, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Handang-handa na ngayon ang Aklan Police Provincial Office (APPO) para sa pagpapaigting ng seguridad ngayong nalalapit na kapaskuhan.

Ayon kay APPO Public Information Officer P03 Nida Gregas, taon-taon umano nila itong ginagawa kung saan isa sa kanilang binabantayan ngayon ay ang pagsilabasan ng mga tinatawag na “Budol-Budol Gang” na kadalasang nambibiktima ng mga matatanda.

Paiigtingin din umano nila ang kanilang seguridad sa mga pangunahing lugar sa probinsya na dinadagsa ng maraming tao katulad ng mga malls, simbahan, plaza at public markets.

Bagamat wala namang halos na nagpapaputok tuwing pasko nakaalerto parin ang APPO sa posibilad na magkaroon ng mga gagamit ng fire crackers ngayon pasko.

Kaugnay nito inilalatag na rin nila ang kanilang kampanya na “Oplan Iwas Paputok” para naman sa pagdiriwang ng bagong taon.

No comments:

Post a Comment