YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, December 18, 2014

British National, nabiktima ng pagnanakaw ng babaeng nakasama sa isang hotel sa Boracay

Posted December 18, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nagising na lang ang isang British National na nawawala na ang kanyang gadget at pera sa inupahang kwarto sa isang hotel sa isla ng Boracay.

Kinilala ang biktimang si Douglas Lobo, 56-anyos at pansamantalang nanunuluyan sa isang resort sa station 2 Brgy.Balabag, Boracay.

Ayon sa police report dumulog umano sa kanilang tanggapan ang biktima para ireklamo ang isang babae na kanyang nakilala lamang kagabi at dinala sa isang resort sa station 3.

Ito umano ay dahil sa pagkagising niya ay nawawala na ang kanyang Samsung Tab 2 at perang nagkakalaga ng P2,000.

Naniniwala naman ang biktima na ito ay tinangay ng kanyang nakasamang babae na may personal umanong intensyon kung saan nagawa pa niya itong hanapin ngunit bigo siyang matuntun ito.

Samantala, ang nasabing insidente ay paulit-ulit lamang na nangyayari sa isla ng Boracay kung saan ang kadalasang biktima rito ay ang mga parokyanong turista.

No comments:

Post a Comment