YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, December 19, 2014

Barangay Balusbos, Champion sa Christmas Tree Making Contest ng Malay

Posted December 19, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Tumataginting na 50 libong piso ang natanggap ng Barangay Balusbos.

Ito’y matapos silang mag-kampeon sa 2015 Christmas Tree Making Contest sa bayan Malay kagabi.

Ayon kay Environmental Service Office Joery Oczon, ang nasabing patimpalak ay nilahukan ng lahat ng barangay sa nasabing bayan, kung saan mga recycled materials ang ginamit na materyales sa paggawa ng Christmas Tree.

Ilan lamang sa ginawang Christmas Tree ng mga sumali ay yaong mga yari sa bottles waters, dried coconuts, soda cans at news papers.

Samantala, bagamat pumangalawa lamang sa Barangay Balusbos ang Barangay Nabaoy, kampeon naman ito sa katergorya ng “Street Beautification.”

Sa kabila nito, nabatid na layunin ng nasabing aktibidad na maipakita at maipadama sa bawat tao ang nalalapit na kapaskuhan gayundin ang pagkakaisa ng mga residente sa pamamagitan ng nasabing aktibidad.

No comments:

Post a Comment