YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, December 16, 2014

Koreano ninakawan ng babaeng nakilala sa isang bar sa Boracay

Posted December 16, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Puno ng pagsisi ang isang turistang Koreano matapos na matangay ng kanyang nakilalang babae sa bar ang kanyang cellphone at wallet.

Base sa sumbong nito sa Boracay PNP, may ipinakilala umano sa kanyang babae ang isang waiter sa bar kung saan siya uminom kagabi.

Ayon pa sa biktima ng check-in umano sila ng babae sa isang resort sa Boracay ngunit ng magising umano ito ay nawawala na ang mga nasabing gamit kasabay ng babae.

Sinabi naman ng kasama nitong tourguide na pinaghahanap nila ang nasabing babae kaninang umaga sa bar at sa inuupahan nitong boardinghouse ngunit bigo silang makita ito kung saan ayon naman sa land lady ng boardinghouse maaga pa umano itong umalis dala ang mga gamit patungong Kalibo.

Sa ngayon patuloy ang ginagawang embistigasyon ng Boracay PNP Station hinggil sa nasabing insidente.

No comments:

Post a Comment