YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, December 19, 2014

Mga Force Multipliers sa Boracay, nakaalerto na rin ngayong Kapaskuhan

Posted December 19, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Nakaalerto na rin para sa Kapaskuhan ang mga force multipliers sa isla ng Boracay.

Nauna rito, nagpulong na rin ang mga taga BAG o Boracay Action Group na kinabibilangan din ng mga force multipliers para sa seguridad ng publiko lalo na ng mga turista.

Kaugnay nito, isa ang KABALIKAT CIVICOM 961 Boracay Command sa mga madalas na nagiging katuwang ng mga kapulisan at ilan pang peace keepers sa isla.

Ayon kay KABALIKAT CIVICOM Boracay Chapter President Rodel Bachiller, nakagawian na rin nila ang makipagtulungan sa mga pulis para sa visibility patrol at monitoring lalo na sa long beach.

Samantala, sinabi pa ni Bachiller na nakahanda rin sila ngayon para sa 24 oras na uniformed and uniformed personnel deployment.

Maliban sa KABALIKAT CIVICOM, nabatid na lagi ding nakahanda ang ilan pang force multipliers para sa seguridad ng isla katulad ng Municipal Auxiliary Police-Boracay, Kabayan Action Group-Boracay, Guardians, Coastguard Auxiliary, Army Reservist, at TREU o Tourism Regulatory Enforcement Unit.

No comments:

Post a Comment