YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, November 26, 2014

PRC Boracay/Malay Chapter, maglulunsad ng swimming competition

Posted November 26, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Atensyon sa lahat ng mga mahilig sa mga paligsahan sa paglangoy!

Isang swimming competition ang ilulunsad ng Philippine Red Cross Boracay/Malay Chapter sa darating na Biyernes, November 28, 2014 na gagapin sa Nigi-nigi Boracay-main, sa ala 1:00 ng hapon.

Isa itong 2K ocean swimming competition na susubok sa kakayahan ng mga mahilig lumangoy at bukas para sa edad 16 pataas, para sa men and women, and relay categories.

Kasabay nito, isang 5K Run competition naman ang naghihintay sa mga mahihilig tumakbo ang gaganapin sa nasabing petsa.

No comments:

Post a Comment