YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, November 26, 2014

Korean national sa Boracay, binaril

Posted November 26, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Isinugod na sa bayan ng Kalibo ang isang lalaking Korean national matapos barilin kaninang madaling araw sa So. Bololabog, Balabag, Boracay.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng BTAC, naglalakad pauwi galing sa isang restaurant ang Koreanong si Jin Woo Lee, 39 anyos, manager ng isang Spa nang sundan di umano ito ng dalawang hindi nakilalang pinoy.

Nang makarating sa madilim na bahagi ng lugar ay dito na di umano binaril ang Koreano ng dalawang beses na tumama sa kanyang kanang kilikili.

Hindi naman matukoy sa ngayon ng mga pulis kung anong klaseng baril ang ginamit ng mga suspek sa biktima at kung ano ang motibo ng mga ito.

Samantala, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng BTAC sa kaso habang ginagamot ang biktima sa bayan ng Kalibo.

No comments:

Post a Comment