YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, November 25, 2014

Lalaki, kalaboso matapos pagnakawan ng mga gadget at pera ang isang bakasyunista at resort owner sa Boracay

Posted November 25, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Himas rehas ngayon ang isang lalaki matapos na pagnakawan ng mga gadget at pera ang isang bakasyunista at resort owner sa Boracay.

Kinilala sa blotter report ng BTAC ang mga biktima na sina Virgilio Baltazar, 22 anyos ng Santo Tomas Pasig City at Maylynn Graf, 55 anyos na nagmamay-ari ng isang resort sa Balabag Boracay, habang kinilala naman ang suspek na si Mark Barrios, 26 anyos ng Brgy. Ibaw Lezo, Aklan.

Ayon sa report ng BTAC, naaresto ang suspek sa front beach ng Station 1 sa harap ng Elizalde Compound Balabag Boracay matapos makipaghabulan sa mga pulis.

Binantayan umano ng suspek ang biktima habang ito ay naliligo saka tinangay ang mga gamit na nakalagay sa isang shoulder bag, subalit nakita umano ito ng biktima at nakasigaw ng tulong.

Kaagad namang naaresto ng mga nagpapatrolyang pulis ang suspek at nabawi ang tatlong Samsung na cellphone, mono pad, 120 pesos at isang Rudy Project 30021 wrist watch at Iphone 5.

Samantala, nang sa himpilan na ng pulisya, dumating naman ang isa pang biktima na si Graf matapos umanong makatanggap ng impormasyon na may naarestong magnanakaw.

Dito, tinukoy ni Graf ang nasabing suspek na sya ring nakita sa CCTV Camera na pumasok sa kanyang resort at tumangay ng kanyang bag na naglalaman ng wrist watch at iphone 5.

Samantala, tuloy naman ang pagsasampa ng kaso sa nasabing suspek.

No comments:

Post a Comment