YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, November 25, 2014

Duelo ng 2 lalaki kagabi sa Libacao, Aklan, humantong sa barilan; 2 patay, 6 sugatan

Posted November 25, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Dalawa ang patay habang anim naman ang sugatan sa nangyaring barilan kagabi sa Poblacion Libacao Aklan.

Ayon kay Police Officer 2 Caron Mayor, investigator ng Libacao PNP, base sa kanilang inisyal na imbestigasyon ay nag-ugat ang nasabing barilan matapos umanong mag-duelo sina Jay-R Agudez, 21 anyos, isang magsasaka at Jonathan Felix, 18 - 20 anyos, barangay kagawad ng Barangay Hilwan, Tapaz, Capiz at laking Manica, Libacao, Aklan.

Ayon kay Mayor, sinasabing si Felix ang responsible di umano sa nangyaring pamamaril, kung saan iniimbestigahan pa ng mga pulis kung may kasama pa umano ito.

Matapos naman ang pangyayari ay hindi na nakita si Felix at kasalukuyan parin sa ngayong pinaghahanap ng mga pulis.

Ayon pa kay Mayor, ang dalawang namatay ay pawang mga menor de edad na babae na nasa 16 at 14 taong gulang na nagtamo ng multiple injuries, kung saan namamasyal lamang di umano sa labas ng peryahan sa nasabing lugar.

Na-rekober naman sa pinangyarihan ng krimen ang dalawang empty shells ng 12-gauge shotgun.

Samantala, si Agudez ay patuloy namang ginagamot sa Provincial Hospital nang magtamo ng grabeng sugat sa dibdib at tiyan.

Patuloy naman na inaalam sa ngayon ng Libacao PNP Station ang motibo sa nangyaring pamamaril.

No comments:

Post a Comment