YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, November 27, 2014

Inspeksyon para sa Fire Code Compliance sa Boracay, nagpapatuloy parin

Posted November 27, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nagpapatuloy parin ngayon ang ginagawang pag-monitor ng Bureau of fire (BFP) Region 6 sa fire code compliance ng mga establisyemento sa isla ng Boracay.

Ayon kay Fire Chief Inspector Crosbee Gumowang ng Regional Office 6, sinimulan nila itong e-monitor nitong Lunes hanggang bukas kung saan ilan sa mga ininspeskyon nila ay mga hotel at resort sa isla.

Sinabi din nito na may mga napuntahan silang mga establisiyemento na sumusunod naman sa ipinapatupad na fire code bagamat mayroon ding sumusunod pa lamang.

Dagdag pa ni Gumowang kung sakaling hindi sila makasumunod sa fire code ay maaaring maharap ang mga ito sa penalidad o mapatigil ang kanilang operasyon.

Samantala, ang ginagawang monitoring ng BFP ay kaugnay sa nalalapit na Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit 2015 na gaganapin sa isla ng Boracay.

Humingi naman ng kooperasyon si Gumowang sa lahat ng mga estbalisyemento sa Boracay na makipagtulungan nalang sa kanilang ginagawang inspeksyon base na rin sa provision ng fire code compliance of the Philippines.

No comments:

Post a Comment