YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, November 26, 2014

Lalaking may warrant of arrest dahil sa illegal na droga, arestado sa Boracay

Posted November 26, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Hindi nakaligtas sa pinagsamang grupo ng mga kapulisan ng Boracay PNP at ng Ibajay Municipal Police Station ang isang lalaking wanted sa kasong criminal case.

Kinilala ang naarestong si Mark Taborda, 37-anyos at residente ng Brgy. Bulwang, Numancia Aklan.

Inaresto ito kaninang hapon sa Sitio. Manggayad Brgy. Balabag, Malay, Aklan sa bisa ng warrant of arrest sa kasong paglabag sa section 1 & 15, article II of the Republic Act no. 9165 o paggamit ng ipinagbabawal na droga.

Matapos itong mahuli ay agad namang ipinaabot sa naaresto ang kanyang mga kahaharaping kaso bago ito dinala sa Boracay Hospital para sa isang medical check-up.

Sa ngayon pansamantala itong nasa kustudiya ng Boracay PNP at inaasahang dadalhin sa bayan ng Kalibo bukas para sa karampatang disposisyon.

No comments:

Post a Comment