YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, August 18, 2014

PCG, mahigpit na minomonitor ang mga motorsiklong naglalabas masok sa Boracay

Posted August 18, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Mahigpit ang ginagagawang pagbabantay ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga motorsiklong naglalabas masok sa isla ng Boracay.

Ayon kay PCG-Caticlan Assistant Station Commander, Sr. Chief Ronnie Siponia, batay sa nakasaad na ordinansa ay mahigpit na ipinagbabawal ang pag-trasport ng mga motorsiklo na walang kaukulang permit.

Nilinaw din nito na hindi na pinapayagan ang anumang motorsiklo na tumawid ng Boracay at Caticlan kapag wala nang byahe ang mga cargo vessels.

Samantala, nabatid na nagpa-abot ng pagkabahala ang ilang mga may-ari ng motorsiklo sa isla ng Boracay, kung saan nabiktima ng pagnanakaw na baka maitawid sa ibang lugar ang kanilang mga ninakaw na motorsiklo.

Kaugnay nito, sinabi naman ng PCG na kaagad makipag-ugnayan sa kanila kung may mga ganitong kaso para mabigyan ng agarang aksyon.

No comments:

Post a Comment