YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, August 21, 2014

2 tricycle driver, isinugod sa ospital matapos bugbugin ng 3 kalalakihan

Posted August 21, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Isinugod sa ospital ang dalawang tricycle driver matapos na umano’y bugbugin ng tatlong kalalakihan habang papalabas sa restaurant na kanilang kinainan.

Nabatid sa blotter report ng Boracay PNP na papalabas na kagabi ang magkasamang driver na sina Domingo Casis, 32 anyos ng Ibajay Aklan at Rofel De Mateo nang nilapitan ng tatlong hindi kilalang mga kalalakihan at pinagbubugbog.

Ayon sa mga biktima wala silang natatandaang nakaalitan na maaaring magiging dahilan ng pambubugbog.

Samantala, nagtamo naman ng sugat at galos ang dalawa sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan.

No comments:

Post a Comment