YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, August 18, 2014

BFPU Chief Inspector Joseph Cadag, ni-relieve sa pwesto

Posted August 18, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay  

Ni-relieve sa pwesto si BFPU o Boracay Fire Protection Unit Chief-Inspector Joseph Cadag.

Ayon sa mga taga Bureau of Fire Boracay, inilipat na sa Numancia Fire Station si Cadag, matapos itong ma-relieve sa pwesto bilang hepe ng Boracay Fire Station epektibo nitong nakaraang Agosto 12.

Kinilala naman ni Fire 0fficer 3 Franklin Arubang ng BFPU ang bago nilang hepe na si o Fire Insperctor Stephen  G. Jardelisa mula sa Bureau of Fire Regional Office.

Nasa isla na rin umano ngayon si Jardelisa at kasalukuyang nakikipagpulong sa mga taga Bureau of Fire Boracay at nakatakda namang makipag courtesy call sa iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan sa Malay at Boracay.  

Samantala, nabatid na nanungkulan din ng tatlong taon si Cadag bilang hepe ng Bureau of Fire Protection Unit dito sa isla.

No comments:

Post a Comment