YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, August 19, 2014

Contractor ng Boracay Hospital Expansion Project, dumulog na sa LGU Malay kaugnay sa kanilang building permit

Posted August 19, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Dumulog na sa LGU Malay kaugnay sa kanilang building permit ang contractor ng Boracay Hospital Expansion Project.

Ito ang kinumpirma ni OIC for Malay Engineer’s Office Engr. Arnold Solano matapos nilang bigyan ng stoppage order ang proyekto dahil sa kawalan ng kaukulang building permit.

Bagama’t magugunitang nilinaw ni Solano na exempted o hindi sisingilin ng LGU ang nasabing proyekto dahil isa rin itong government facility.

Iginiit naman nito na kailangang paring magkaroon ng building permit ang ospital upang muli nang umusad ang naudlot na expansion project.

Magugunitang pinahinto mismo ng Malay Engineer’s Office ang proyekto dahil sa nasabing paglabag.

No comments:

Post a Comment