YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, August 20, 2014

Crime prevention-check point, inilatag ng Boracay PNP

Posted August 20, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Nagdulot ng abala sa trapiko ang inilatag na check point ng Boracay PNP sa Barangay Balabag main road nitong hapon.

Subali’t iginiit naman ng Boracay PNP na bahagi ng crime prevention o kampanya laban sa kriminalidad ang kanilang check point.

Maliban kasi sa pag-inspeksyon sa permit to transport ng mga motorcycle drivers, sinabi pa ng Boracay PNP na nagiging alerto rin sila tungkol sa napapabalitang rider in tandem sa bansa.

Samantala, bagama’t marami sa mga motorista ang halatang naaburido sa mabigat na trapikong dulot ng check point, nabatid na marami naman ang natuwa.

No comments:

Post a Comment