YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, August 19, 2014

Bagong hepe ng Bureau of Fire Boracay, iniskedyul na ang pag-courtesy call sa LGU Malay

Posted August 19, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Iniskedyul na ng bagong hepe ng BFPU o Bureau of Fire Protection Unit Boracay ang pag-courtesy call sa LGU Malay.

Ayon kay BFPU Chief Fire Inspector Stephen Jardeleza, maaaring isunod na rin niya ang pakikipagkita sa mga taga business community sa isla matapos ang pagbisita sa Sangguniang Bayan ng Malay bukas.

Kaugnay nito, sinabi pa ni Jardeleza na itinuturing niyang hamon sa kanya bilang bagong hepe ng BFPU ang pagbigay ng mas magandang serbisyo sa isla ng Boracay.

Samantala, isa umano sa unang aasikasuhin ni Jardeleza ang mga programa kaugnay sa fire safety inspection at emergency response.

Nabatid na nitong ika-15 ng Agosto lamang siya umupo bilang hepe ng BFPU matapos ma-relieve o ilipat sa Numancia, Aklan ang dating hepe dito na si Fire Inspector Joseph Cadag.

No comments:

Post a Comment