Posted June 4, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Ayon kay Jerwin Sanggalang, dive master ng Sharky Diving
na kasama ng biktima.
Bumubula na umano ang ilong at bibig ng Taiwanese kung
kaya’t kailangan na talaga itong dalhin sa ospital sa halip ng first aid.
Ayon pa kay Jerwin, tumawag pa sila ng speed boat upang
mapabilis ang pagdala sa biktima sa ospital, subali’t hindi na umano ito umabot
sa pagamutan.
Samantala, sinabi pa ni Jerwin na nagpaabot na sila ng
tulong sa pamilya ng nalunod na Taiwanese.
Kinumpirma naman ng DOT o Department of Tourism
Sub-Office Boracay na patuloy pang pinoproseso ang mga dukumento para sa
bangkay ng biktima.
No comments:
Post a Comment