YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, June 02, 2014

Dalawang lalaki, arestado sa isang buy bust operation sa Boracay; sampung sachet ng shabu, nasabat

Posted June 2, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Isang posas ang nagsilibing tali sa mga kamay ng dalawang lalaki sa Boracay matapos maaresto sa isang buy bust operation kaninang tanghali.

Sa pinagsanib na puwersa ng Boracay PNP Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Group at Provincial Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Group, naaresto sa mismo nilang tinutuluyan sa Barangay manoc-manoc, Boracay ang mga suspek na sina Elmer Marcella alias “Biboy” at Bobby Panoy, pawang mga nasa legal na edad at mga taga Roxas City, Capiz.

Narekober din sa mga ito ang sampung sachet ng shabu at marked money na ginamit sa nasabing buy bust operation, at cellphone na umano’y naglalaman ng illegal drug transaction.

Kaagad namang ikinostodiya ng Boracay PNP ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa R.A 9165 dahil sa pagbibenta ng ipinagbabawal na gamot para sa karampatang disposisyon.

No comments:

Post a Comment