YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, June 02, 2014

Unang araw ng pasukan sa Boracay, matagumpay at mapayapa

Posted June 2, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Walang naitalang problema ang Boracay National High School (BNHS) sa unang araw ng pagbubukas ng klase ngayong taon.

Katunayan sinabi ni BNHS Principal II Jose Niro Nillasca na naging matagumpay at mapayapa ang unang araw ng kanilang pagbubukas ng klase kaninang umaga.

Gayunpaman, ipinababatid din nito sa mga magulang at ilang mga naghahabol pa sa enrollment na hangga’t maaari ay mag enroll na para hindi mahuli sa ilang aralin sa paaralan.

Samantala, naging aligaga naman ang mga guro at estudyante lalo na ang mga magulang sa pagbubukas ng klase dito sa isla ng Boracay, kung saan naging katuwang din nila ang Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) sa pagsiguro sa kaligtasan ng mga mag-aaral.

Nabatid na maging sa buong bansa ay inihayag din ng Philippine National Police (PNP) na ‘generally peaceful’ ang unang araw ng pasukan ngayong Hunyo a-dos.

No comments:

Post a Comment