YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, June 05, 2014

Tourist arrival sa Boracay nitong buwan ng Mayo, pumalo ng mahigit 160, 000

Posted June 5, 2014
Ni Jay-ar  M. Arante, YES FM Boracay                             

Pumalo ng mahigit 160 libo ang naitalang tourist arrival ng Caticlan Jetty Port sa Boracay nitong buwan ng Mayo.

Ayon kay Special Operation Officer III Jean Pontero ng Caticlan Jetty Port, naitala nila ang 167, 506 tourist arrival na bumisita sa isla ng Boracay sa loob ng isang buwan.

Aniya, mas mataas ito ng 11 porsyento kumpara noong nakaraang taon.

Karamihan umano sa mga turistang nagbakasyon sa Boracay nitong buwan ng Mayo ay domestic tourist na umabot sa 113, 445 sinundan ng Foreign Tourist na 50, 048 at OFW na 4, 013.

Maliban dito naitala din nila ang 13, 716 tourist arrival ngayong buwan ng Hunyo simula noong June-1 hanggang June-3.

Bagamat nagtapos na ang summer season umaasa parin ang Jetty Port Administration na madaragdagan pa ang kanilang naitalang bilang para maabot ang 1.5 milyon Tourist Arrival ngayong taong 2014.

Base pa sa datos ng Jetty Port mas mataas ang pumapasok na tourist arrival ngayong 2014 kumpara noong nakalipas na mga taon kung saan mabusisi nila itong minomonitor araw-araw.

Samantala, inaasahang maraming foreign tourist ang bibisita sa Boracay ngayong kakatapos na summer dala na rin ng pag-init ng panahon sa kanilang mga bansa.

No comments:

Post a Comment