YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, June 03, 2014

Pagkawala ng dalawang batang lalaki, idinulog sa Boracay PNP

Posted June 2, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Mag-iisang linggo nang pinaghahanap ng nag-aalalang si Eddie dela Cruz ng Sapian, Capiz ang dalawa nitong anak na lalaki.

Mag-iisang linggo na rin umano kasi ang mga itong hindi nakakauwi matapos umalis sa kanilang bahay.

Bagay na minarapat nitong dumulog sa himpilan ng Boracay PNP nitong Sabado, dala ang larawan ng kanyang mga anak na sina Joel, 16 anyos at Mark, 14 anyos.

Ayon kay Eddie, nitong nakaraang May 26 pa umalis ng kanilang bahay sa Sitio Marob-ob ang kanyang mga anak.

May nakapagsabi rin umano sa kanya na sumakay ng bus papuntang Caticlan ang mga bata.

Samantala, kinumpirma naman ng mga taga Boracay PNP na napadaan sa kanila ang magkapatid nitong mga nakaraang araw.

Hindi na nga lang umano nila napansin ang mga itong umalis matapos bigyan ng pagkain.

Maliban sa Boracay PNP, lumapit din si Joel sa himpilang ito upang ipanawagan ang mga nawawalang anak.

Kaya’t sa sinumang maaaring makakita o may impormasyon kaugnay sa kinaroroonan ng mga batam maaari lamang pong makipag-ugnayan sa Boracay PNP, at sa aming himpilan o komontak sa cp.number na ito: 0912-390-5527.

No comments:

Post a Comment