Posted June 7, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ayon sa imbestigasyon ng Boracay Tourist Assistance
Center (BTAC), nakaupo bandang alas otso kagabi si Kruijssen Petrus Vander, 59
anyos ng Holand sa harap ng isang bar sa So. Hagdan, Brgy. Yapak Boracay nang
mawalan ng kontrol ang isang mini-dump truck na minamaneho ni Nanito Salsona,
24 anyos ng Libertad Antique.
Ayon sa report ng mga pulis, nagka-problema sa preno ng sasakyan
ang driver kung saan nahagip rin nito ang isang naka-parking na motorsiklo sa
lugar.
Samantala, nang sa himpilan naman ng pulisya ay
nagkasundo ang dalawang panig na ayusin na lang ang nasabing kaso sa pagitan nilang dalawa.
No comments:
Post a Comment