YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, May 22, 2014

Resolusyon bilang pagkilala para sa grupo nina S/Supt. Nacion at PSInspector Salvo, aprobado na ng SB Malay

Posted May 22, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Aprobado na sa 2nd at final reading ng SB Malay ang resolusyon bilang pagkilala sa grupo nina S/Supt. Nacion at PSinspector Mark Evan Salvo.

Ito’y kaugnay sa kanilang pagtugis sa mga nagsasagawa ng ilegal na aktibidad sa isla ng Boracay partikular na ang mga nagbibenta ng ilegal na droga.

Sa Session ng Malay nitong Martes muli itong tinalakay sa Calendar of Business, Business for the day 2nd final reading.

Maliban dito inaalam din ng SB Malay kung sinu-sinong personalidad ang kanilang bibigyan ng pagkilala bukod kina Senior Supt. Samuel Nacion ng Aklan Provincial Police Office at kay Chief PSInspector Mark Evan Salvo ng BTAC.

Matatandaan na pinagunahan ni SB Member Jupiter Gallenero ang pagpasa ng resolusyon para dito upang kilalanin ang kanilang ginagawang pagsisikap masugpo lamang ang mga taong sangkot sa ilegal na droga sa Boracay.

Sa ngayon mas pinaigting pa ng mga otoridad ang kanilang kampanya laban sa illegal na droga.

No comments:

Post a Comment