YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, May 22, 2014

Mga residente ng Sitio Din-iwid, Barangay Balabag, nabolabog dahil sa nasunog na alulod ng bahay kagabi

Posted May 22, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Nabolabog dahil sa nasunog na alulod ng bahay kagabi ang mga residente ng Sitio Din-iwid, Barangay Balabag.

Ayon sa ilang mga residente doon, nakita na lamang nilang nag-aapoy na ang alulod ng isang bahay na gawa sa isang hinating PVC pipe.

Si mang Clarion, biglang lumabas ng kanyang bahay nang sabihan siya ng kanyang boarder na may sunog.

Nagulat umano ito nang makita ang nag-aapoy na alulod ng bubong ng kanyang kapit-bahay, kung kaya’t kaagad itong kumilos upang apulahin ang apoy kahit sa pagtapon-tapon lang ng tubig.

Wala namang nakapagsabi kung saan nagmula ang apoy.

Samantala, kaagad namang rumesponde ang mga taga BFRAV o Boracay Fire Rescue Ambulance Volunteers at ang Bureau of Fire Boracay sa lugar.

Wala namang naiulat na nasaktan sa nasabing insidente.

No comments:

Post a Comment