YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, May 19, 2014

Bangka, lumubog sa pagitan ng Barangay Yapak at Hambil

Posted May 19, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Isang bangka ang napaulat na lumubog sa pagitan ng Barangay Yapak at Hambil kahapon ng alas 10 umaga.

Ayon sa report, pabalik na sa Boracay ang mag-amang sina Romy at Jeeboy Leocadio nang aksidenteng tumaob ang bangkang sinasakyan ng huli.

Kaagad itong sinakluluhan ng kanyang amang si Romy na sakay din ng isa pang bangka, at inutusang humingi ng saklolo sa Boracay para maiahon ang tumaob na bangka.

Dumating naman ang mga taga PNP Maritime Group at Bantay-Dagat upang tumulong kasama ang iba pang bangka galing Romblon.

Nabatid na pawang maliliit na bangkang pang-service lamang ang gamit ng dalawa.   
  

No comments:

Post a Comment