YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, May 20, 2014

Chinese national, sinaksak ng kapwa tour guide sa Boracay kagabi

Posted May 20, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Arestado ang isang tour guide sa Boracay kagabi matapos saksakin ang kapwa tour guide na Chinese national.

Kinilala sa report ng Boracay PNP ang suspek na si Ramon Garcia Sy, 45 anyos habang kinilala naman ang biktimang Chinese national na si Allan Tan, 50 anyos.

Ayon sa salaysay ng biktima sa kapulisan, alas dyes kagabi nang makatanggap sya ng tawag mula sa suspek na nais nitong makipagkita sa kanya sa harap ng Budget Mart sa D’mall.

Nang makarating sa lugar, isang mainit na argumento di umano ang namagitan sa kanilang dalawa na naging dahilan upang bumunot ng kutsilyo ang suspek at doon na pinagsasaksak ang biktima.

Samantala, ayon sa mga nakita sa pangyayari doon na habang tumatakbo umano ang biktima ay pinaghahabol din ito ng suspek at pinagsasaksak.

Kaagad namang hinuli ng mga security guards ng D’Mall ang suspek at isinuko sa mga pulis kasama ang isang kutsilyo na narekober mula sa kanya.

No comments:

Post a Comment