YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, May 21, 2014

Planong pagbili ng 1-unit na fire truck, pinag-aaralan pa ng SB Malay

Posted May 21, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Pinag-aaralan pa ng Sangguniang Bayan ang planong pagbili ng isang unit ng Fire Truck para sa bayan ng Malay.
Sa committee report ng SB Session kahapon, hiniling ni Malay mayor John P. Yap sa Committee on Budget and Appropriation na mag-laan ng pondo na P 3, 229. 424.20.

Ito umano ay mangagaling sa trust fund sa ilalim ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Fund para makabili ng Fire truck.

Napag-alaman na hanggang ngayon ay wala paring sariling Fire truck ang Malay kung kaya’t nais ng alkade na maisakatuparan ang kaniyang hiling para sa kapakanan ng kaniyang nasasakupan.

Sang-ayon naman ang buong konseho para dito bagama’t kailangan pa nila ng matinding pagsusuri upang masiguro ang kalalabasan nito.

Matatandaan na isang bahay ang nasunog sa nasabing bayan at ang bahagi ng kabundukan sa Brgy. Nabaoy na naging dahilan para humingi ng tulong sa fire truck unit ng Trans Air sa Caticlan Airport.

Samantala, itinakda na ang kahilingang ito ng Alkalde para sa calendar for final and second reading sa susunod na SB Session.

No comments:

Post a Comment