YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, May 19, 2014

NGCP, blangko sa kung ilan ang tumututol kaugnay sa right of way para sa kanilang restoration project

Posted May 19, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Blangko sa kung ilan ang tumututol kaugnay sa right of way para sa kanilang restoration project ang NGCP.

Sa isang pulong kaninang umaga, sinabi ng mga taga NGCP o National Grid Corporation of the Philippines na wala silang ideya kung ilang residente ang ayaw itayo sa kanilang lupa ang mga steel towers o poste ng 138 kV Panit-an-Nabas Transmission Line.

Kaugnay nito, naantala rin ang proyekto na siya namang itinuturong dahilan ng tila walang katapusang power interruption.

Magkaganon paman, sinabi ng mga taga NGCP na ginagawa nila ang lahat upang mapadali ang proyekto.

Nabatid na may mga may-ari ng lupang madadaanan ng proyekto ang nagmamatigas umano kung kaya’t patuloy naman ang pakikipagnegosasyon ng NGCP sa kanila.

No comments:

Post a Comment