YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, October 15, 2013

PRC Boracay-Malay Chapter, nagpasalamat sa suporta ng LGU Malay

Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Dalawang taon na ang PRC o Philippine Red Cross Boracay-Malay Chapter sa munisipalidad na ito.

Kaya naman nagpaabot ang mga ito ng pasasalamat sa suporta ng LGU Malay.
Sa pamamagitan ng PRC Chapter Lifeguards Report para sa buwan ng October 2013.

Kinilala ng PRC na tinanggap sila ng local at internasyonal na kumunidad at ng mga turista sa Boracay dahil sa suporta ni Malay Mayor John Yap.

Kaugnay nito, iniulat din PRC ang kanilang mga narating katulad ng pagkilala sa kanila ng Philippine Red Cross Headquarters nitong nagdaang ikalabing isa ng Marso; pagiging Top 7 sa Highest Population Coverage for Membership; Resource Generation Award of Excellence.

Samantala, kasabay ng pag-apela, umaasa naman ang mga taga PRC na magpapatuloy ang suporta ng alkalde para sa mga ikakatagumpay ng mga program ng Red Cross, lalung-lalo na para sa mga life guard services.

No comments:

Post a Comment