YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, October 18, 2013

Mga tatakbong kandidato sa pagkakapitan sa ilang brgy.sa Malay, walang makakalaban

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Sigurado na ang pagkapanalo ng ilang mga kandidato sa pagka-kapitan sa ilang baranggay sa Malay ngayong darating na election.

Ito’y matapos ang ginawang filing ng CoC o Certificate of Candidacy nitong linggo kung saan halos karamihan ay walang makakalaban.

Ayon kay Malay COMELEC Election Officer II Elma Cahilig, pitong mga baranggay sa Malay ang iisang kandidato lamang ang nag-file ng COC sa pagka baranggay captain.

Kinabibilangan umano ito ng baranggay Cubay Norte, Cubay Sur, Dumlog, Motag, Naasog, Napaan at Sambiray.

Kinumpirma naman nito na ang baranggay Yapak lamang ang may pinakamaraming tatakbo sa pagka-baranggay captain na umabot sa lima.

Tig-dadalawa naman umano ang tatakbong kapitan sa baranggay Balabag at Manoc-manoc sa Boracay.

Samantala, ipinaabot naman ni Cahilig sa mga boboto na piliin ang kandidatong kayang mamuno sa baranggay sapagkat ito umano ang pinaka basic unit society na doon nagmumula ang lahat.

No comments:

Post a Comment