YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, October 14, 2013

Isang lalaki, kalaboso matapos mahulihan ng Shabu sa Boracay

Ni Jay-ar Arante, YES FM Boracay

Kalaboso ang isang lalaki matapos mahuli sa isang buy bust operation nitong Sabado ng gabi sa Manoc-manoc, Boracay.

Sa pinagsanib na puwersa ng Provincial Intelligence Branch Office, Aklan Provincial Police Office, Regional Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Group, Aklan Public Safety Company at Boracay Tourist Assistance Center, natimbog ang suspek na si Michael Sola y Sobrejuanite, 31 anyos ng Santa Barbara, Iloilo.

Narekober mula sa suspek ang isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Narekober din mula sa buy bust operation ang isang plastic sachet na naglalaman ng nasabing droga, ilang marked money, ilang illegal drug paraphernalia, at cell phones na naglalaman umano ng mensahe tungkol sa illegal drug transactions.

Kaagad namang ikinostodiya ng mga otoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.

No comments:

Post a Comment