YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, October 15, 2013

Fr. Crisostomo, Pinayuhan ang mga tatakbong kandidato sa darating na eleksyon

Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Pinayuhan ni Fr. Arnold Crisostomo ng Balabag Holy Parish Church ang mga tatakbong kandidato sa Barangay Election ngayong Oktobre.

Aniya dapat maging patas ang mga kandidato sa mga paraan na gagawin sa pangangampanya at dapat klaro rin ang kanilang mga programa.

Inaasahan din nito na ang mga tatakbong kandidato ay may magandang pananaw para sa ikabubuti ng kanilang barangay.

Kailangan din umano nilang e-respeto kung ano man ang mga ninanais ng kanilang kapwa kandidato at iwasan ang paninira sa isa’t-isa.

Dagdag pa nito, na ang pagkapanalo ay hindi nakadepende sa tapang at lakas ng impluwesya bilang isang kandidato.

Sa halip, dapat umano nilang isaalang-alang ang tinatawag na sportsmanship para sa ikabubuti ng komunidad.

Samantala, pinayuhan din ng pari ang mga botante na piliin kung sino ang karapat-dapat at tingnan kung ito ba ay may magagawang maganda sa kanilang Barangay.

No comments:

Post a Comment