YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, October 17, 2013

Aklan Board Member Rodson Mayor at Board Member Plaridel Morania, nagkainitan sa sesyon kahapon

Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Nagkainitan kahapon sa sesyon sina Aklan Board Member Rodson Mayor at Board Member Plaridel Morania.

Katunayan, minarapat ni Vice Governor Gabrielle Calizo-Quimpo, na magpatawag ng dalawang sergeant -at- arms para magbigay assistance kung sakaling may mga hindi inaasahang pangyayari sa loob ng session hall.

Nagkabatuhan kasi ng masasamang salita sa gitna ng kanilang regular session ang dalawang nabanggit na board member.

Nag-ugat ang nasabing pangyayari nang humingi ng committee report si Mayor kaugnay sa isinusulong na ordinansa ng bise gobernador, tungkol sa paggamit ng alternatibo at mga eco-friendly na packaging materials sa lalawigan ng Aklan.

Ngunit hindi inaasahang nauwi sa pakikipagpatalo nina Mayor at Morania ang nasabing sesyon.

Kaugnay nito, naki-usap ang bise gobernador na palabasin muna ang ilang mga empleyado at kasapi ng media para sa isang executive session at mapag-usapan ang nasabing ordinansa at ang hinihiling na committee report ni Mayor.

No comments:

Post a Comment