Ni Edzel Mainit, Field Reporter, YES FM Boracay
Napuno ng tensiyon ang sesyon ng Sangguniang Panlalawigan (SP)
ng Aklan sa Provincial Capitol nitong nagdaang Miyerkules, Hunyo 27, taong
kasalukuyan.
Ito ay makaraang nagkaroon ng mainit na diskusyon sa pagitan
nina SP Member Rodson Mayor at Vice Governor at Presiding Officer Gabriellie
Calizo-Quimpo kaugnay sa urgent request ni Aklan Governor Carlito Marquez na
nanghihingi ng pag-endorso ng Sangguniang Panlalawigan.
Ang nais ni Mayor ay madaliin ito batay sa kahilingan ng
gobernador.
Bagamat sang-ayon naman si Calizo-Quimpo sa nasabing
panukala, hindi naman nito gustong madaliin at agad na aprubahan ng ganun-ganon
na lang na hindi man lang ito dadaanan sa masinsinang pang-uusisa ng SP.
Paliwanag ng Bise Gobernador, kailangan pang ihanda ang mga
polisiya kaugnay sa panukalang ito, dahil ayaw niya na mai-kumpromiso ang
Internal Revenue Allotment (IRA) ng buong probinsiya para lamang sa hindi
nabusising transaksiyon na papasukin ng Aklan.
Kaya napag-pasyahan ng presiding officer na mag-imbita ng mga
resource persons, at doon nagsimula ang hindi magandang palitan ng mga salita sa
pagitan ng dalawang mambabatas ng Aklan.
Mula sa ganoong eksena habang nasa sesyon ay kinuha ni Mayor
ang kaniyang office table name plate na gawa sa marmol na nilimagan ng kanyang
pangalan at ihinampas ito sa mesa, at sinundan pa ito ng makalas na boses na nasa
tonong argumento.
Ikinagulat naman ng lahat ng mga Board Members ang mga ginawa
ni Mayor, gayon din ng mga miyembro ng media na nagko-cover sa sesyon.
Upang mapahupa ang tensiyon, humingi ng ayuda mula sa mga
security guard at umiwas na lamang ang Presiding Officer kay Mayor upang
makaiwas na din sa mainit na argument.
Kung maaalala, hindi ito ang unang pagkakataong nagsagutan
ang dalawang nabanggit na opisyal ng probinsiya sa loob ng session hall dahil
sa mga maiinit na usapin.
No comments:
Post a Comment