Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Hiniling ngayon sa Sangguniang Bayan ng Malay na kung maaari
ay palitan ang oras ng Color Coding Scheme sa Boracay.
Ginawa ito ni SB Member Rowen Agguire sa sesyon nitong umaga
matapos makita aniya nito at batay sa obserbasyon na kapag alas-sais ng umaga
hanggang alas-sais ng gabi ang schedule ng color coding sa mga tricycle, marami
na ang bumibiyaheng tricycle pag-dating ng alas-sais ng gabi gayong rush hour
pa lang ito kaya masikip pa rin ang kalye.
Bunsod nito, humirit si Agguire na gawin na lang itong alas-siyete
ng umaga hanggang alas-siyete ng gabi para mabigyang solusyon ang trapik sa
kalye sa oras na alas-sais.
Samantala, muli din nitong isinulong ang pagnanais nito na
naipatupad na rin ang number coding sa lahat ng sasakyang pribado sa isla.
Subalit ang mga delivery truck aniya ay hindi na kasama dito
dahil posibleng maapektuhan ang komersiyo ng isla at may ordinansa na umano na
nagreregulate sa katulad na sasaklayan o mga haulers.
No comments:
Post a Comment