Ni Edzel Mainit, Field Reporter, YES FM Boracay
Laking pasasalamat na sana ng lokal ng pamahalaan ng Malay
dahil sa ang Boracay ang magiging benepisyaryo ng proyektong ng Department of
Science and Technology (DOST) na “Filipinnovation of Coral Restoration” na
gagawin sa isla.
Subalit hindi nila akalaing sa bandang huli ng paglalatag sa
programang ito ay maaaring maapektuhan din pala ang ilang ordinansang
ipinapatupad sa Boracay.
Ito ay makaraang aminin mismo ng grupo ng DOST na
nagpresenta ng nasabing programa na pinangunahan ni Cesario Pagdilao na kapag
naging natagumpay ang proyektong ito, sila na ang magrerekomenda sa mga bagay o
gawain na posibleng ipagbawal sa naturang lugar na sakop ng programang ito
upang mapanagalagaan ang mga korales.
Sa nasabing pahayag ay tila nadismaya ang konseho dahil
bakit umano hindi agad naiisip ng DOST na maaaring magkaroon ito ng gusot sa
ordinansa kaugnay sa operasyon ng seaport activities tulad ng helmet diving
dahil ipagbabawal na dati nilang area.
Gayon pa man, hindi nagsara ng pinto ang konseho kaugnay sa
nabanggit na topiko, dahil maaari naman umanong talakayin ito sa gagawing
committee hearing.
No comments:
Post a Comment