Ni Edzel Mainit, Field Reporter, YES FM Boracay
Kinumpirma ni Police Senior Supt. Cornelio Defensor,
Provincial Director ng Aklan Police, na natimbog nga sa isinagawang follow up at
buy bust operation ang isang miyembro ng Aklan Pulis na si PO2 Edcel Tan at
hawak na rin ngayon ng mga otoridad.
Ayon sa hepe ng kapulisan sa Aklan, kagabi agad ay
isinailalim sa drug test si Tan, pero sa ngayon ay wala pang resulta ang
pag-susuri dito.
Sa kasalukuyan ay inihahanda na rin umano nila ang kasong kriminal
at administratibo laban sa suspek.
Nabatid din mula dito na may mga kaparehong ulat na din
laban sa nasabing pulis, bagay na inuusisa na rin umano nila ngayon matapos ang
pagkaka-aresto dito.
Para kay Defensor, ang pagkakatimbog kay Tan ay isang “welcome
development” sa bahagi ng otoridad sa kampaniya nilang linisin ang mga
masasamang elemento sa kanilang hanay.
Kaugnay nito, nagpaalala si Defensor sa mga pulis sa Aklan na
huwag dungisan ang pangalan ng kapulisan.
Umaasa din umano ito na si Tan lang ang may ganitong gawain at
wala nang iba pa.
Samantala, kapag napatunayan umano ayon sa Provincial
Director na magpositibo sa gawaing ito ang naturang pulis, dadaan ito sa proseso
at maaaring matangal sa serbisyo.
Ito rin umano ang kauna-unahang kaso sa Aklan kung saan ang
isang pulis ay natimbog sa pagtutulak ng droga simula nang maupo ito sa
pagiging PD ng Aklan Police.
No comments:
Post a Comment