YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, June 25, 2012

Operasyon ng habal-habal sa Boracay, bawal sa batas at imposibleng maging legal!


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Bawat talaga sa isla ng Boracay ma gamitin pamasada ang mga single na motorsiklo para magsilbing pampublikong sasakyan ayon kay Malay Transportation Officer Cezar Oczon. 

Sapagkat aniya, ang operasyon ng mga motorsiklo na ito bilang pampublikong transportasyon ay bawal ayon sa nasayonal na batas at maging sa bayang ito ay may ordinansa din.

Paliwanag nito, ang mga habal-habal o motorsiklong ito ay hindi din pwedeng bigyan ng prangkisa katulad ng sa mga tricycle upang maging legal ang kanilang operasyon.

Kaugnay nito, itinuro ni Oczon ang pagsagot sa katulad na tanong sa Land Transportation Office (LTO) na siyang bihasa umano sa usaping ito.

Ganoon pa man, nilinaw nito na iba naman ang sitwasyon ng habal-habal sa “motorbikes for rent” na legal naman umano, dahil sa ginagamit ito pero hindi naman sa pamamasada.

Samantala, marami naman ngayon ang dumidepensa mula sa mga pasahero sa operasyon ng habal-habal sa Boracay kahit na bawal ito.

Ito ay dahil para sa mga ito ay malaki ang maitutulong sa publiko lalo na sa gabi, dahil sa minsan ay namimili ng pasahero ang tricycle kaya in demand ang mga motorsiklo.

Sinabi ni Oczon na imposibleng mangyari na magiging legal ang operasyon ng habal-habal na ito sa Boracay kahit pa sabihing malaki ang maitutulong ng sasakyang ito sa mga pasahero.

No comments:

Post a Comment