Ni Malbert Dalida, News Director, YES FM Boracay
Sampahan ng kaso at papanagutin sa batas.
Ito ang iginiit kahapon ni Boracay Tourist Assistant
Center-OIC Police Senior Inspector Al Loren Bigay, kaugnay sa pagsugpo ng
kriminalidad sa Boracay.
Sa isang panayam, sinabi ni Bigay na mahalagang mapanagot
ang mga lumalabag sa batas, sa kadahilanang magiging walang saysay umano ang
panghuhuli ng mga kriminal, kung walang disposisyon sa mga ito.
Kaugnay pa rin sa nasabing balita, nangako naman si Bigay na
kanyang bibigyang pansin ang mga kasong kahalintulad nito, na kadalasang
nangyayari sa Boracay.
No comments:
Post a Comment