Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Inaasahan na umano ang pagtaas ng bilang ng mga nagkakasakit
ng Dengue sa bayan ng Malay at isla ng Boracay base sa pattern ng statistic ayon
kay Dr. Adrian Salaver, Municipal Health Officer ng Malay.
Ito ay dahil halos kada dalawang taon aniya ay pabalik-balik
lang ang bilang ng mga naitatala sa sakit na ito.
Kaya ganoon na lamang ang paalala ng Municipal Health
Officer sa publiko sa mainland Malay man at Boracay na kung maaari ay maging
begelante parin at gawin ang “apat na S” o “4S” upang maiwasan ang sakit na
ito.
Tinukoy ni Salaver ang apat na “S” bilang Search and Destroy
sa mga pinangi-ngitlugan o pinagbabahayan ng lamok, pangalawa Seek Early
Treatment o magkunsulta agad sa
manggagamot upang mabigyan kaukulang atensiyon , Self Protection o paggamit ng
mga mahahabang kasuotan katulad ng long sleeve, pantalon, pagsuot ng medyas at
paggamit ng mga insect repellant lotion upang hindi makagat ng lamok.
Ika-apat na “S” Say “No” to Indiscriminate Fogging sapagkat
itinataboy lamang at babalik din aniya ang lamok kapag mag-fogging at hindi
naman agad mawawala ang mga insektong ito maliban pa sa ito ang pinakamagastos
na pamamaraan.
Pero higit sa lahat, mariing ipina-aalala ni Salaver sa
publiko, na kung maaari ay panatilihing malinis ang kapaligiran na siyang
pinakamabisang pangnontra sa sakit na ito.
Matatangdaang nitong nagdaang taong ng 2011, sa buong taon
ay nakapagtala lamang ng siyam na kaso ang naitalang nagkasakit ng dengue mula
sa bayang ito kasama na ang sa isla ng Boracay.
Subalit nitong taong 2012, bahagya itong tumaas dahil simula
nitong Enero hanggang buwan palang ng Mayo ay nakapagtala na ng labin isang
kaso at isa dito at binawian ng buhay.
No comments:
Post a Comment