Ni Malbert Dalida, News Director, YES FM Boracay
“I am here to serve the people and the tourist of Boracay
Island.”
Ito ang mga salitang binitiwan kahapon ni Boracay Tourist
Assistance Center-OIC Police Senior Inspector Al Loren Bigay, sa harap ng mga
miyembro ng Boracay Action Group, sa isinagawang Joint Flag Raising Ceremony noong
Lunes ng umaga.
Bagama’t aminado itong ang tungkulin bilang namumuno sa
himpilan ng pulis sa isla ng Boracay ay walang katiyakan, sinabi nito ang
kanyang mga prayoridad bilang Officer in Charge dito sa isla.
Ito’y ang pagpapalakas ng kakayanan, kapabilidad at
disiplina ng mga pulis, pakikipag-ugnayan sa government at non-government
organizations, at ang prosecution of criminals.
Sa panayam ng YES FM Boracay, sinabi rin ni Bigay na
kailangan nito ang suporta ng mga mamamayan ng isla.
Si Police Senior Inspector Bigay ay matatandaang itinalaga
bilang officer in charge ng BTAC, matapos ma-releave sa pagiging hepe si Police
Chief Inspector Christopher Prangan kamakailan lang.
No comments:
Post a Comment