Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Umabot na sa 11 katao ang naitala ng Provincial Health Office/PHO
na mula sa Bayan ng Malay at Boracay ang nagkasakit ng Dengue simula nitong
Enero ng taong ito, hanggang nitong Mayo.
Ang isa sa mga naitalang bilang na ito ay siyang nailista
naman bilang kauna-unahang namatay sa sakit na ito sa Aklan ngayon taon na
nagmula sa Barangay Caticlan.
Subalit hindi lamang ang Malay ang may ay naitala na may
nagkasakit na dengue.
Katunayan, pumapangatlo lamang ang bayan na ito kung buong
probinsiya ang pag-uusapan.
Sapagkat ang bayan ng Kalibo parin ang nangunguna na umabot
na sa limangput sa kasalukuyan.
Sinundan ng Numancia at Ibajay na parehong may tag-14 at
ikatlo naman ang Malay at Banga na parehong nakapaglista ng tag-11 isa.
Kaugnay nito, patuloy pa rin ang ginagawang pagpapaalala ng
PHO sa mga Aklanon na hangga’t maaari ay ugaliin parin ang paglilinis sa
kapaligiran upang masugpo ang pagdami ng mga lamok.
No comments:
Post a Comment